Grabe! sabi ko noong nagsisimula akong mag-blog, Kelangan araw-araw may isusulat ako....
Anong nangyari?!? Grabe, ningas-cogon ata ako....ayoko!!!!!
Ano bang mga pinagkakaabalahan ko ng mga nakaraang araw? Bakit nga ba hindi ako nakakapagsulat? Leche kasing trabaho yan, panira ng buhay pagba-blog...wahaha! Tas ang dami-dami ko pang naiisip. Especially 'yang mga "what-ifs" na yan na hidni ko naman dapat naiisip.
Sa totoo lang, pagod na pagod nako. Parang nararamdaman ko na sa halos 5 taon kong pagtatrabaho, bilang auditor, pagod na pagod nako...
Hindi naman ito ang gusto kong mangyari sa buhay e. Ang gusto ko lang naman e may trabaho ako (hindi naman ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho e, sa dami ng umaasa sa akin, at sa dami ng pasan ko sa baliakt ko, wala naman ata akong ibang aasahan e), sa province, tas araw-araw kong katabi ang anak ko. Natuturuan ko cya sa assignments nya (pag papasok na cya...), araw-araw ko cyang maipaghahanda ng babaunin nya...in short, araw-araw ko cyang nakikita... Kelan kaya mangyayari ito? Sana pwede kong ifast-forward ang buhay ko.
And sana pwede kong pasimplehin ang buhay.
Sana magkaroon na ako ng guts, ng will, ng way, lahat na...para gawin ko ang mga gusto kong mangyari.
Basta ang masasabi ko lang... I'M STRESSED PERIOD! So help me God. :(
No comments:
Post a Comment