Friday, June 11, 2010

i'm stressed period.

Grabe! sabi ko noong nagsisimula akong mag-blog, Kelangan araw-araw may isusulat ako....
Anong nangyari?!?  Grabe, ningas-cogon ata ako....ayoko!!!!!

Ano bang mga pinagkakaabalahan ko ng mga nakaraang araw?  Bakit nga ba hindi ako nakakapagsulat?  Leche kasing trabaho yan, panira ng buhay pagba-blog...wahaha!  Tas ang dami-dami ko pang naiisip. Especially 'yang mga "what-ifs" na yan na hidni ko naman dapat naiisip.

Sa totoo lang, pagod na pagod nako.  Parang nararamdaman ko na sa halos 5 taon kong pagtatrabaho, bilang auditor, pagod na pagod nako...

Hindi naman ito ang gusto kong mangyari sa buhay e.  Ang gusto ko lang naman e may trabaho ako (hindi naman ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho e, sa dami ng umaasa sa akin, at sa dami ng pasan ko sa baliakt ko, wala naman ata akong ibang aasahan e), sa province, tas araw-araw kong katabi ang anak ko. Natuturuan ko cya sa assignments nya (pag papasok na cya...), araw-araw ko cyang maipaghahanda ng babaunin nya...in short, araw-araw ko cyang nakikita... Kelan kaya mangyayari ito?  Sana pwede kong ifast-forward ang buhay ko.

And sana pwede kong pasimplehin ang buhay.

Sana magkaroon na ako ng guts, ng will, ng way, lahat na...para gawin ko ang mga gusto kong mangyari.

Basta ang masasabi ko lang... I'M STRESSED PERIOD!  So help me God. :(

Friday, June 4, 2010

Friday na…kaya pauwi na ako ulit mamaya, yehey!

Wow! Natapos na naman pala ang linggo (work week) nang hindi ko na naman namamalayan. Parang kahapon lang e Lunes at antok na antok at tamad na tamad pa akong lumuwas lalo na kapag nakikita mo ang anak mo na tulog na tulog pa. Hay, thank you Lord at Friday na naman. Ibig sabihin nito e makikita ko na ulit ang aking anak na si Jianne. Yehey ulit! Hehe! Kahit na ang ibig sabihin ng Friday e, palapit na ako ng palapit sa deadlines. Huhuhu! (Ano un? Ano ibig sabihin nun? Wahaha!)



Medyo wala ako sa mood magsulat ngayon… Dahil ba saying-saya ako at makakauwi na ulit ako sa amin sa Candelaria? O dahil ba angwoworry ako sa aking Non-SOX project? O dahil kinakabahan ako dahil babakunahan ako mamaya ng flu vaccine? Ouch! Hehe!


Basta ang alam ko, tuwang-tuwa ako at uuwi nako ulit mamaya.  Makikita ko na ulit ang aming munting anghel na malamang e nag-aabang na sa may pinto para salubungin ako.

Konting intay na lang anak, anjan na ulit c Nanay.  C Tatay, mauuna na jan. Konting intay na lang.  At wag kang mag-alala, malapit na tayong magkasama araw-araw.  Nararamdaman ko… malapit na anak.  Ramdam mo na rin ba, Jianne? :)

Thursday, June 3, 2010

Ang paggamit ng lenggwaheng Ingles at ang pangingibang-bansa

Tataliwas muna ako sa naging pangako ko na sa pagsusulat ko dito e mage-English ako. Kasi may kelangan akong punteryahin. Pasensya na at makakapag-Taglish ako, pero wag kayong mag-alala, hindi naman ako ‘ung pasosyal na Taglish, dahil ako’y surang-sura sa ganun. (O yan, lumalabas na ang punto ko, hehe!)



Mabalik tayo… Dati pang laging nagiging topic ng mga diskusyon naming mag-asawa, magkakaibigan, etc. ang tungkol sa pangingibang-bansa at ang paggamit ng English language, at hindi lang paggamit… sa mga interviews ng kahit all-Filipino companies, basta dapat English ka makipag-usap. Parang kasalanan at bad point sayo kapag makapag-Tagalog ka sa pagsagot mo. Kahit ang mga batas natin at iba pang mahahalagang documents e nakasulat in English. Sa mga sessions ng Kongreso at ng Senado, ang madalas na ginagamit sa pagdedebatehan e Englsih imbis na Filipino (FYI, Tagalog is only a dialect. Ang ating national language ay Filipino). Bakit ganun? Hindi ba ang national language natin e Filipino? Bakit kailangang gawing official language din natin ang English noong 1987 Philippine Constitution. Ano nang nangyari sa sinabi ni Gat. Jose Rizal na “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay daig pa ang hayop at malansang isda.”? Naaalala ko tuloy ang aking professor sa Philippine Institutions 100 (P.I. 100), na kaya daw ang bansa natin e hindi umunlad-unlad e dahil sa hindi natin minamahal at isinasapuso ang ating wika, at ang lahat ng sariling atin. Pilit daw tayong nagpapakabanyaga. Para sa atin, kapag imported, un ang “cool”, un ang “in”. Pilit tayong nagpapaputi. Kasi mapuputi ang mga banyaga. Nagpapakulay ng buhok dahil nga ‘yun ang mga itsura ng mga foreigners, dahil ‘yun ang tingin natin na mga magaganda. Posible nga kayang totoo ito? Hindi ko na masyadong maalala ‘yung sinabi pa nya na bansa kung Japan o China un, basta ang sigurado ko, Asian country ‘yun, na ang Constitution nila ay nakasulat sa kanilang sariling lenggwahe. At sa mga session ng Congress at Senate nila e dpat ang gagamitin lang nila ay ‘ung lenggwahe nga nila. Walang masyadong umaalis ng bansa nila so lahat ng talent e nagagamit at napapakinabangan ng bansa nila. Sa madaling salita e asensado ang bansa nila. Posible ngang totoo d b? Kasi sa atin, madalas ang goal natin e makapagtrabaho sa ibang bansa, kasi walang asenso dito. Bakit nga ba kasi ganun? Bakit hindi pwedeng taasan ang sweldo dito sa atin para maiwasan ang pangingibang-bansa? Saan ba lahat nag-uugat ang mga ito? Hindi kaya sa gobyerno natin? Sa mga nakaupo at namumuno sa ating bansa? Sa sistema ba ng ating gobyerno? O nasa sa ating mga mamamayan mismo ang problema? O dahil ba lahat ng sinasabi nating sariling atin e puro lahat hiram? Kung mapapansin natin, ang ating sariling wika na Filipino e may malaking impluwensya ng Spanish at English languages… Dahil nga ba mahilig tayong manggaya? Dahil nga ba mahilig tayong manghiram? Dahil nga ba mga inggitero at inggitera tayo?

Wednesday, June 2, 2010

Ang Simula

Eto ang simula… This is a new beginning…
Ako ang tipo ng tao na hindi mahilig magsulat. Ako ang tipo ng tao na hindi mahilig magbasa. Ang mga nabasa ko lang na libro at ‘yung meron ako, simula noong bata pa ako, bukod sa mga required sa pag-aaral e Harry potter series, The Little Prince, books ni Mitch Albom (i.e., Five People You Meet in heaven, Tuesdays with Morrie, and For One More Day). Meron din nga pala akong Twilight series, pero nasa 2nd book pa lang ako (New Moon). Nakabasa na rin nga pala ako ng mga libro ni Bob Ong and aliw na aliw din ako sa Pugad Baboy, although comics un at hindi libro. Sa medaling salita, hindi ako booklover. Hehe! Visual kasi akong tao, mas ginaganahan ako sa mga may pictures. Hehe!
Noong nag-aaral pa lang ako, inis na inis ako kapag may mga essays na ipapasulat. Sulating Pormal, lalo na ung Formal Theme. Hay bwisit! Waterloo ko talaga ang writing. Lagi kong sinasabi noon na pwede ban g formulas at computation na lang ang isulat ko? Mahal na mahal ko ang mathematics noon, well, kahit din naman ngayon. Hehe! Okay lang sakin na pag-compute-in mo ako buong araw at magsolve ng kung anu-anong mathematical problems, wag mo lang ako pagsulatin.
Hay! So, kung hindi ako mahilig magsulat, bakit ako nagsusulat ngayon? Ano ba ang nagtulak sakin na mag-create ng blog? Sa totoo lang, kagabi ako na-inspire. Nagbasa ako ng blogs ng dalawa kong kaibigan na si Mon at Jen. Ang gagaling nilang magsulat, promise, at madalas pa, pure English sila magsulat. As in, WOW!!!! Sabi ko, sana ganyan din ako, ‘yung tipong parang natural na natural lang na lumalabas sa kamay at bibig ko ang English language. Magsulat nga lang ng email na isesend ko sa mga auditees e, nagtatagal pa ako. Ilang beses ko kasing binabasa if grammatically correct. Madalas pinapabasa ko pa sa iba para lang sigurado. I really hate writing… So sabi ko, mag-blog din kaya ako, baka kahit papaano e mahasa ako sa pagsusulat, pati na rin sa pagsasalita. Although mas mahirap ang pagsasalita kasi walang backspace dun e. hehe! Kaya lang dapat magkaron ako ng “English-only policy”. Haiz!!! Kaya ko kaya yun? Hindi kaya ako itakwil ni Inang Bayan at hindi ko tinatangkilik ang ating sariling wika? Siguro, maggawa na lang ako ng folder na formal kumbaga, so dapat English nga lang ang gagamitin ko. Tapos, meron din naman na freestyle, kasi for leisure na lang etong ginagawa ko, pahihirapan ko pa ang sarili ko d ba? Hehe! So sige, tingnan na lang natin…
Eto ang simula… This is a new beginning…