Tataliwas muna ako sa naging pangako ko na sa pagsusulat ko dito e mage-English ako. Kasi may kelangan akong punteryahin. Pasensya na at makakapag-Taglish ako, pero wag kayong mag-alala, hindi naman ako ‘ung pasosyal na Taglish, dahil ako’y surang-sura sa ganun. (O yan, lumalabas na ang punto ko, hehe!)
Mabalik tayo… Dati pang laging nagiging topic ng mga diskusyon naming mag-asawa, magkakaibigan, etc. ang tungkol sa pangingibang-bansa at ang paggamit ng English language, at hindi lang paggamit… sa mga interviews ng kahit all-Filipino companies, basta dapat English ka makipag-usap. Parang kasalanan at bad point sayo kapag makapag-Tagalog ka sa pagsagot mo. Kahit ang mga batas natin at iba pang mahahalagang documents e nakasulat in English. Sa mga sessions ng Kongreso at ng Senado, ang madalas na ginagamit sa pagdedebatehan e Englsih imbis na Filipino (FYI, Tagalog is only a dialect. Ang ating national language ay Filipino). Bakit ganun? Hindi ba ang national language natin e Filipino? Bakit kailangang gawing official language din natin ang English noong 1987 Philippine Constitution. Ano nang nangyari sa sinabi ni Gat. Jose Rizal na “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay daig pa ang hayop at malansang isda.”? Naaalala ko tuloy ang aking professor sa Philippine Institutions 100 (P.I. 100), na kaya daw ang bansa natin e hindi umunlad-unlad e dahil sa hindi natin minamahal at isinasapuso ang ating wika, at ang lahat ng sariling atin. Pilit daw tayong nagpapakabanyaga. Para sa atin, kapag imported, un ang “cool”, un ang “in”. Pilit tayong nagpapaputi. Kasi mapuputi ang mga banyaga. Nagpapakulay ng buhok dahil nga ‘yun ang mga itsura ng mga foreigners, dahil ‘yun ang tingin natin na mga magaganda. Posible nga kayang totoo ito? Hindi ko na masyadong maalala ‘yung sinabi pa nya na bansa kung Japan o China un, basta ang sigurado ko, Asian country ‘yun, na ang Constitution nila ay nakasulat sa kanilang sariling lenggwahe. At sa mga session ng Congress at Senate nila e dpat ang gagamitin lang nila ay ‘ung lenggwahe nga nila. Walang masyadong umaalis ng bansa nila so lahat ng talent e nagagamit at napapakinabangan ng bansa nila. Sa madaling salita e asensado ang bansa nila. Posible ngang totoo d b? Kasi sa atin, madalas ang goal natin e makapagtrabaho sa ibang bansa, kasi walang asenso dito. Bakit nga ba kasi ganun? Bakit hindi pwedeng taasan ang sweldo dito sa atin para maiwasan ang pangingibang-bansa? Saan ba lahat nag-uugat ang mga ito? Hindi kaya sa gobyerno natin? Sa mga nakaupo at namumuno sa ating bansa? Sa sistema ba ng ating gobyerno? O nasa sa ating mga mamamayan mismo ang problema? O dahil ba lahat ng sinasabi nating sariling atin e puro lahat hiram? Kung mapapansin natin, ang ating sariling wika na Filipino e may malaking impluwensya ng Spanish at English languages… Dahil nga ba mahilig tayong manggaya? Dahil nga ba mahilig tayong manghiram? Dahil nga ba mga inggitero at inggitera tayo?
No comments:
Post a Comment