Wow! Natapos na naman pala ang linggo (work week) nang hindi ko na naman namamalayan. Parang kahapon lang e Lunes at antok na antok at tamad na tamad pa akong lumuwas lalo na kapag nakikita mo ang anak mo na tulog na tulog pa. Hay, thank you Lord at Friday na naman. Ibig sabihin nito e makikita ko na ulit ang aking anak na si Jianne. Yehey ulit! Hehe! Kahit na ang ibig sabihin ng Friday e, palapit na ako ng palapit sa deadlines. Huhuhu! (Ano un? Ano ibig sabihin nun? Wahaha!)
Medyo wala ako sa mood magsulat ngayon… Dahil ba saying-saya ako at makakauwi na ulit ako sa amin sa Candelaria? O dahil ba angwoworry ako sa aking Non-SOX project? O dahil kinakabahan ako dahil babakunahan ako mamaya ng flu vaccine? Ouch! Hehe!
Basta ang alam ko, tuwang-tuwa ako at uuwi nako ulit mamaya. Makikita ko na ulit ang aming munting anghel na malamang e nag-aabang na sa may pinto para salubungin ako.
Konting intay na lang anak, anjan na ulit c Nanay. C Tatay, mauuna na jan. Konting intay na lang. At wag kang mag-alala, malapit na tayong magkasama araw-araw. Nararamdaman ko… malapit na anak. Ramdam mo na rin ba, Jianne? :)
No comments:
Post a Comment